PAGPAPAGANDA
keeping our bodies beautiful, clean and fragrant
Thursday, January 17, 2019
PAANO PUMUTI (Natural na Pampaputi)
Hindi lang pala iniinom ang Vitamin C tablets, maaari rin itong maging sangkap ng pamahid na makapagpapaputi ng balat.
Sa panayam ng programang "Ma-Beauty Po Naman" ni Cory Quirino sa DZMM, ibinahagi ni Dr. Manuel Ma, medical director ng isang klinika, ang aniya'y mas murang paraan para kuminis ang kutis.
"Halos lahat ng function ng katawan, from head to toe, mayroong involved ang Vitamin C," ani Ma. "Very important 'to to maintain good body health and to maintain good skin."
Una, kailangang durugin muna ang mga tableta ng Vitamin C hanggang sa makapuno ng isang kutsarita.
Sunod ay kakanawin ang durog na Vitamin C sa hanggang tatlong kutsara ng tubig.
"Haluin niyong mabuti, tapos kung may glycerine kayo... marami sa botika, kung wala naman 'yan, nandiyan ang virgin coconut oil... So haluin natin na parang magiging lotion, puwede mong pamahid 'yan, pampaputi. Napakamura no'n, hindi mo kailangan ng napakamahal na sabon o lotion," paliwanag ni Ma.
"Nakakalambot din siya [ng balat] dahil sa virgin coconut oil, may exfoliating property din ang Vitamin C."
Payo rin ng doktor, hinay-hinayin ang pagpapahid ng dinurog na Vitamin C. Puwedeng subukan muna ito sa bahagi ng katawan tulad ng siko para malaman kung tama ang naging timpla.
"Kailangan subukan mo ito, pakaunti-kaunti lang, mag-eksperimento ka, kung masyadong maasim or kumakagat [sa balat] kasi acidic ang nature niyan, dagdagan mo ng tubig. Tubig dapat para ma-neutralize 'yan," sabi ni Ma. "Kapag maganda ang reaksiyon niyo, hindi namula, hindi mahapdi, tama na ang timpla na 'yon."
Kung walang tableta ng Vitamin C, puwede rin namang calamansi o iba pang acidic na prutas ang gamitin.
Mainam na ipahid ang homemade na pampaputi sa mga parte ng katawan na may dark spots o kaya' pekas.
Puwede itong gamitin dalawang beses kada araw, bago matulog o kaya'y matapos maligo.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PAMPAPUTI NG SINGIT
Ang pagsusuot ng bikini, shorts at mini skirt ay nagiging uso na rin sa Pilipinas, lalo na kung panahon ng tag init. Subalit para mga kababaihan na may maitin na singit, ang pagsuot ng ganyang mga kasuotan ay isang malaking kahihiyan.
Ang pangingitim ng singit ay isang seryosong problema ng mga kababaihan na maaaring magdulot ng pagkapahiya, subalit ito ay hindi naman malubhang sakit.
Ang pangingitim ng singit ay maaaring dahil sa ilang dahilan. Ang isa sa pinakadahilan nito ay ang pagiging namamana nito o genetic. May mga tao na sadyang madaling mangitim ang singit kumpara sa iba. Ang ilan sa mga dahilan ay ang sobrang pagkahantad sa mapanganib na ultraviolet rays, pagkakaroon ng ilang partikular na mga karamdaman, regular na pag ahit at ang pagkagasgas ng mga hita dahil sa palagiang pagsusuot ng masisikip na shorts at pantalon. Ang sobrang pagpapawis at pagkaipon ng mga dead skin cells ay makapagpapalala ng pangingitim.
Dahil sa ang balat sa singit ay napakasinsitibo, hindi naming irinerekomenda ang paggamit ng mga produktong pampaputi ng balat na yari sa kemikal.
MGA PAMAMARAANG NATURAL NA PAMPAPUTI NG SINGIT
Maitim baa ng singit mo? Hindi ito nangangahulugan na habambuhay ng maitim ang singit mo at mahihiya ka nang magsuot ng bikini o shorts magpakailanman! Pwede mong gawin ang mga sumusunod na paraan para pumuti ang singit sa bahay, gamit ang mga sangkap na madali mong makuha sa kusina!
Marami kang natural na paraan na pwedeng pagpilian para paputiin ang iyong singit. Ang epekto ng mga pamamaraang ito ay hindi biglaan, kaya kailangan mong magsimula na ngayon at magkaroon ng mahabang pasensya para sa bandang huli, makita mo ang magandang resulta.
Narito ang ilan sa natural na mga pamamaraan pampaputi ng singit:
ALOE VERA: REYNA NG MGA PAMPAPUTI!
Oo, ang aloe vera ang pinaka sikat na natural na sangkap pampaputi! Kung ito ay gagamitin mo ng palagian, makakatulong ito saiyo na magkaroon ng mas maputing singit at buburahin nito ang mga patse-patse sa balat. Ito ay nakakatulong din sa pagpapanumbalik ng mga nasirang selula at tissues.
PAANO PUMUTI ANG KILIKILI
Gusto mo bang paputiin ang kilikili mo? Hirap ka bang mag-sleeveless o magsando dahil sa maitim na underarms? Huwag ka nang mag-alala, narito ang limang easy tips para pumuti ang ating kilikili:
1. PIPINO o CUCUMBER
Ang pipino ay may likas na bleaching properties na nakakatulong para sa mas flawless na kilikili. Magslice lang ng kapiraso at ikuskos nang marahan isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
2. BAKING SODA
Ang baking soda ay hindi lang kilala bilang panlinis sa bahay ngunit marami rin itong gamit para sa pagpapaganda dahil sa taglay nitong exfoliating properties. Nakatutulong ito para mga matanggal ang mga dead cell na isa sa mga dahilan para mangitim ang ating kilikili. Nakatutulong rin ito para malinis ang mga underarm pores na maaring nabara dahil sa paggamit ng deodorant. Ihalo lang baking soda sa tubig hanggang sa medyo maging malapot. Ipahid ito at dahang-dahang iscrub. Pagtapos ay banlawan at tuyuin gamit ng towel.
3. COCONUT OIL
Isang mabisang paraan para magpaputi ay ang pagmo-moisturize nito. Ang coconut oil o virgin coconut oil ay mayaman sa vitamin E na mahalaga para mapanatiling fresh ang mga balat natin. Nakatutulong din ito para maging makinis at malambot ang kilikili. Effective rin itong makatulong pampawala ng body odor. Para gamitin ito, imassage lang ang coconut oil sa kilikili at iwan nang sampung minuto. Banlawan nang maigi ‘pag tapos.
4. PATATAS o POTATO
Hindi lang masarap gawing french fries ang patatas mga idol! Alam niyo ba na ang patatas ay may natural bleaching properties din. Para gamitin ito maghiwa lang ng manipis na parte ng patatas at imasahe sa kilikili. Iwan ito sa loob ng lima hanggang pitong minuto at banlawan pagtapos. Maaari niyo itong gawin dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
5. LEMON
Sikat ang lemon bilang isa sa mga laging ginagamit sa mga beauty hacks kaya hindi nakapagtataka na magagamit din ito para sa pagpapaputi ng ating mga kilikili. Ang lemon ay may natural na cleansing properties at may bleaching properties. Ipahid lang ang lemon kasabay sa pagligo. Maari niyo itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
Kung wala ka naman niyan ay pwede mo ring gamitin ang apple cider, aloe vera, turmeric o sunflower oil. ‘Yan ang mga tips para sa kilikiling maputi!
PAANO PUMUTI ANG TUHOD
Nangingitim ba at nanliligasgas ang siko at tuhod mo? Kapag nagsimulang mangitim ang mga parteng ito ng ating balat, halos wala din namang naitutulong ang mga sabon para bumalik ang dating kaputian. Ito ang ilan sa mga natural at epektibong solusyon para pumuti ang siko at tuhod.
Kapag nahantad sa araw o kaya naman ay namuo ang libag o dumi sa balat sa pateng tuhod at siko, magiging kapansin-pansin iyan dahil ito lang ang tanging maitim sa buo mng katawan. Nakakapag-alala naman talaga iyan lalo na kapag malapit na ang tag-araw o kapag magsusuot ka ng T-shirt. Pero huwag kang masyadong mainis. Napakadaming solusyon sa nangingitim na tuhod at siko at minsan ay nasa bahay mo lang pala!
● Gamitin ang katas ng lemon. Meron itong citric acid na may natural na bleaching o pampaputing sangkap. Kaya naman, ang paglalagay ng lemon juice sa siko at tuhod ay magpapaputi dito. Sundan ito:
- Hatiin ang lemon sa gitna. Katasin ang dalawang parte ng lemon para makabuo ng 2 hugis baso mula sa lemon. Ikuskos ito sa magkabilang siko ng sabay.
- Pwede mong alisin ang mga hibla o pulp. Hayaan itong mababad ng 3 oras at saka banlawan. Iyan ang sapat na haba ng panahon para manuot ang lemon sa balat.
- Hugasan ito ng maligamgam na tubig. Nakaka-dry ng balat ang lemon kaya gumamit ng paboritong moisturizer pagkatapos.
- Gawin ito araw-araw hanggang sa tuluyan ng mawala ang pangingitim. May makikita kang pagbabago sa loob lang ng ilang linggo.
● Ihalo ang baking soda sa gatas hanggang sa makabuo ng makapal na paste. I pahid ito sa siko at tuhod at banlawan makalipas ang 5 minuto. Gawin ito isang beses sa isang linggo sa loob ng 2 buwan.
● Ang langis ng niyog ay isa din sa mabisang solusyon sa maitim na siko at tuhod. Meron itong vitamin E na nakakatulong para pumuti ang maiitim na bahagi ng balat at para maiwasan ang pagka-dry o panunuyo ng balat. Pinapanatili nitong malusog ang balat. Kaya din nitong ayusin ang mga nasirang bahagi ng balat at pangingitim. Para palambutin ang magasapang na balat, imasahe ang langis ng niyog sa apektadong bahagi at saka maligo gamit ang maligamgam na tubig. Huwag magsabon. Hayaan mo lang ito na matuyo. Pwede mo ding lagyan ng konting katas ng lemon.
● Gumawa ng paste gamit ang gatas at baking soda. Ang pinaghalong sangkap na ito ay makakatulong dahil may lactic acid ang gatas na tutulong para mabawasan ang pangingitim ng balat habang ang baking soda naman ay tumutulong para maalis ang patay na balat o libag.
● Paghaluin ang sapat na dami ng mga ito para makabuo ng paste.
● Ilagay sa siko at dahan-dahang ipahid ng paikot. Gawin ito ng 3 minuto hanggang sa mapansin mong maputi na ang iyong siko.
● Yogurt- mayron itong lactic acid na tumutulong para mabilis na pumuti ang balat. Nililinis din nito ang balat.
- Paghaluin ang isang kutsarita ng yogurt at puting suka para makabuo ng magaspang na paste. Ipahid sa siko at tuhod at patuyuin. Banlawan ng maligamgam na tubig, patuyuin at lagyan ng moisturizer. Gawin ito araw-araw sa loob ng ilang linggo.
- Pwede din naman na paghaluin ang 2 kutsarita ng harina at isang kutsarita ng yogurt. Ilagay sa maitim na siko at tuhod at hayaang matuyo sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos, gamit ang basang kamay, alisin ang paste at banlawan ng malinis na tubig. Gawin ito sa loob ng 2 o 3 beses sa isang linggo.
● Hiludin ang iyong siko. Syempre, makakatulong iyan para maalis ang mga libag na naipon sa siko mo kaya’t nagmumukha itong maitim.
- Gumamit ng loofah o panghilodna may kahalong shower gel para maalis ang libag sa siko.
- Pwede ka din na gumamit ng sarili mong scrub gamit ang asukal. Paghaluin ang 2 parteng asukal (puti o pula) at 1 parte ng langis (almond, niyog o olibo).
- Maging banayad kapag ikinukuskos ito dahil baka mapigilan ang paglabas ng natural na langis at mas lalong maglalabas ng selula ang iyong balat. Mas iitim ang iyong balat. Marahang ipahid ito isang beses o 2 beses sa isang linggo.
● Asukal
Para pumuti ang balat sa iyong tuhod at siko, pwede kang gumamit ng sugar scrub. Makakatulong ang asukal sa pag alis ng libag at pag-papalambot ng balat.
- Paghaluin ang asukal at olive oil para makabuo ng paste.
- Ilagay ito sa tuhod at siko at ikuskos sa loob ng 5 minuto ng pa-ikot.
- Hugasan ng sabon at maligamgam na tubig. Huwag gumamit ng matapang na sabon.
- Gawin ito ng isang beses araw-araw hanggang sa pumuti ang bahaging maitim.
- Gawin linggo-linggo.
Talaga namang nakaka-ganda ang pantay na kulay ng balat at papasagwain naman ito ng maitim na siko at tuhod. Maraming nag-aatubili na magsuot ng maikling manggas na damit o pang-itaas, palda at shorts.
Ang balat sa paligid ng siko at tuhod ay karaniwan ng mas makapal at kulubot. Isa pa, dahil walang daluyan ng natural na langis sa bahaging ito ng katawan, nanunuyo ang balat na ito. Kaya kapag hindi naaalagaan ang bahaging ito, mas nagiging maitim ang tuhod at siko kumpara sa ibang parte ng katawan.
Nangingitim din ang bahaging ito dahil sa palagi itong nakukuskos, nahahantad sa araw, o baka dahil sa genes, hormonal imbalance, obesity, nanunuyong balat, o namumuong libag.
Ang pamumuo ang makapag na libag o dead skin ay dahil sa pagkikiskisan nito sa ibang mga matigas na bagay o sa mismonh balat. Kapag sumasandal sa lamesa gamit ang siko o kapag lumuluhod sa sahig, nangingitim ang balat. Nakakainis naman talaga lalo na para sa mga babae na magsuot ng maikling shorts o sleeveless kung maitim ang siko o tuhod. At pwede itong mangyari sa kahit na ano pang kulay ng balat, kahit sa mapuputi. Kapag lagi kang nagbababad sa init at hindi naglilinis ng balat ng maayos, may tendensiyang mangitim ang mga bahaging ito. Pero pwedeng-pwede na masulusyonan iyan gamit ang ilang produkto sa bahay at hindi mo kailangang gumastos para lang mapaputi ito.
Wednesday, January 16, 2019
PAANO PUMUTI O MAALIS ANG PEKLAT
Hindi ka ba confident sa sarili mo dahil sa peklat sa balat? Worry no more! May mga paraan na ngayon kung paano masosolusyonan ang problema mo. May pampaputi ng peklat na mabibili sa merkado. Kailangan lang ng mag-ingat sa pagbili. Hindi lahat ng gamot o pamahid an nabibili ay ligtas gamitin sa balat Sa artikulong ito, matututunan mo kung paano malalaman kung paano pumili ng pampaputi ng peklat na safe gamitin.
Maraming uri ng ganitong pampaganda ng balat. Kabilang na rito ang cream, spray, sabon at lotion. Ngunit alin bas a mga ito ang pinakamabisa? Siguradong gustong-gusto mo nang madiskubre ang mga paraan ng pampaputi ng paklat. Malamang, gusto mo na ring mawala ang sagabal sa pagsusuot mo ng mga revealing clothes. Hindi magiging madali ang pagpapakinis ng balat. Ito ay nangangailangan ng panahon, pasensiya at tiyaga.
Kung minsan, kailangan ding gumastos, pero hindi naman kailangang malaki ang perang ilalaan sa pagtanggal ng peklat. May mga gamot na pampaputi ng peklat kang madidiskubre na nasa abot-kayang halaga. Basta’t siguraduhin lang na hindi ka magkaka-allergic reaction sa mapipili mong produkto. Sa mga susunod na bahagi ng artikulong ito, mas maiintindihan mo pa ang mga dapat gawin para mapaputi matanggal ang peklat.
MGA PWEDENG GAWIN PARA PUMUTI O MATANGGAL ANG PEKLAT
Sa sobrang dami ng mga produktong pampaputi ng peklat, kung minsan ay nakakalito na kung alin talaga ang pipiliin. Nariyan ang gamot na ipinapahid katulad ng potassium aminobenzoate. Hindi man ito lubos na nakakatanggal ng peklat, pero malaki ang nababawas nito sa pagiging halata ng marka sa balat. Maaari ring gumamit ng ointment na gawa sa silicon gel. Ito ay ipinapahid din sa apektadong bahagi ng balat.
Para naman sa mga may pera o budget para sa pampaputi ng peklat, puwede nang magpa-opera o sumailalim sa cosmetic surgery. Maaaring baguhin nito ang itsura ng balat mo para mawala nang tuluyan o hindi na mahalata ang peklat mo. Ngunit kailangan a ring maghanap ng magaling na cosmetic surgeon para masiguro ang pagkawala ng peklat. May mga operasyong nag-iiwan ng peklat.
Ang pagtanggal ng peklat sa balat ay naaayon din sa posisyon nito sa katawan. May mga lugar na maaaring ibalot sa pamamagitan ng pressure dressing para mabawasan ang pagiging halata. Ngunit importante pa rin sa lahat ang pagpapatingin sa mga espesiyalista. Sila ang higit na nakakaalam kung ano ang nababagay na pampaputi ng peklat sa iyo.
MGA REMEDYONG SA BAHAY LANG MAKIKITA
Kung minsan, akala natin, napakamahal magpagamot at magpaputi ng peklat. Ang hindi natin alam, madalas, nasa tabi lang pala natin ang solusyon. Ang mga produktong rekomendado sa artikulong ito ay napakadaling hanapin. Hindi na kailangan pang maging aprubado ng doktor kung ang mga ito ay gagamitin. Dahil sa all-natural na sangkap ng mga ito, makatitiyak sa kaligtasan ng paggamit, alin man ang mapipiling remedy.
May mga taong halaman ang itinatapal sa peklat upang ito ay pumuti at tuluyan nang mawala. May mga iba namang likido gaya ng espesyal na mantika ang gamit para sa garantisadong paglisan ng marka. Kung ikaw ay nasa estado pa lamang ng pagpili ng remedyo, ipagpatuloy lang ang pagbabasa ng artikulong ito. Mas madidiskubre mo pa ang mga dapat gamiting pampaputi ng peklat mo.
MGA ALL-NATURAL NA PAMPAPUTI NG PEKLAT
Sabila – mas kilala ito sa tawag na ‘alove vera.’ Ito ay natural na pampaputi ng peklat dahil sa mga all-natural na sangkap na tumutulong para palusugin ang mga damaged cells ng balat na dulot ng peklat. Kaya naman garantasiado itong nakapagpapaganda ng kutis.
Virgin Coconut Oil – ito ay unique ingredient na garantisadong makakatanggal at makakaputi ng peklat. Ang oil na ito ay may taglay na sangkap na nakakapagpabilis ng pagkupas ng marka sa balat. At dahil ito ay my Vitamin E na alam ng nakararami bilang anti-oxidant, tumutulong ito para maiwasan ang pamumuo ng mga bagong peklat.
Oil sagana sa Vitamin E – kagaya ng nabanggit na, ito ay may taglay na antioxidant na nakakatulong para pumuti ang peklat. May taglay din itong moisturizing element na nakapagpapabalik ng sigla ng balat. Ang kagandahan pa ng Vitamin E ay, pinapaganda nito ang itsura ng peklat habang ito ay pinapaputi.
Olive Oil – Ang alam ng mas nakararami, ito ay ginagamit lamang para sa pagluluto ng pagkain o panghalo sa salad. Ang good news dito ay, magagamit din ang olive oil para pantanggal ng peklat! Ito ay isang mabisang sangkap na pampaputi ng peklat dahil ito ay mayaman sa Vitamin E. Tumutulong ito para mapanatiling makinis at malambot ang balat. Higit sa lahat, ito ay nakakatulong din para ayusin ang nasirang balat sa katawan.
Kalamansi Juice – ang bunga ng kalamansi ay nagtataglay ng alpha hydroxyl acid na nakapanggagamot ng sari-saring sakit sa balat gaya ng peklat. Isa pa, naaalis ng kalamansi ang dead cells. Bilang nagtataglay ng Vitamin C, ito ay may kakayahan din itong makapagsauli ng balat na nasira.
Honey – Marami rin ang hindi nakakaalam na ang honey ay mainam na pampaputi ng peklat. Ang honey ay natural moisturizer. Ito ay mabisang nakakatanggal ng peklat. Ito ay tumutulong para maiwasan ang pag-buildup ng dead cells sa balat. Pinapabilis din nito ang pagtubo ng mga bagong tissue.
PARAAN NG PAGGAMIT
Hindi nga ba’t napakadaling hanapin ng mga nabanggit na pampaputi ng peklat? Ang mas mainam pa diyan ay, napakadali rin ng paraan ng paggamit! Halimbawa na lamang sa sabila. Alisin lamang ang panlabas na balat ng dahon at kunin ang malapot na laman ng dahon nito. Ipahid ito sa balat at ikuskos ang mismong sabila ng pabilog ang direksiyon sa peklat. Iwanan ng kalahating oras at banlawan ito gamit ang malamig ng tubig. Gawin ng 2 beses araw-araw. Tandaan, hindi dapat gamitin ang sabila sa bukas na sugat.
Para naman sa virgin coconut oil, mag-init ng kaunti ng langis na ito. Maglagay ng mainit-init na oil sa mga palad at ihilot ito sa balat kung saan may peklat. Hilutin ng 5 hanggang 10 minuto. Pabayaan ito ng hanggang isang oras para makapasok ng husto sa peklat ang oil. Para maging mas mabilis mapaputi ang peklat, gawin ito ng 2 beses araw-araw.
Sa mga gagamit ng Vitamin E, magbukas ng ilang piralsong capsule na Vitamin E at kunin lamang ang oil. Ipahid ito sa peklat at masahihin ng hanggang 10 minuto. Iwanang ng hanggang 20 minuto. Hugawan ang peklat gamit ang malamig na tubig. Ulitin ito ng 2 hanggang 3 ulit araw-araw.
Kung olive oil ang choice mo, maglagay ka ng mainit-init na oil sa balat kung saan may peklat at ihilot ito ng pabilog. Patagalin ng 30 minuto at pahiran ang langis gamit ang malinis na damit o tela. Maaari ring pabayaan ang langis sa balat ng magdamag. Katulad ng sa Vitamin E, gawin ang proseso ng 2 hanggang 3 beses kada araw para sa mas mabilis na epekto.
Ang kalamansi ang pinakamadaling hanapin sa loob ng bahay. Maglagay o magpahid ng katas nito sa balat kung saan may peklat. Kung maselan ang balat, maaaring haluan ng tubig o oil ng Vitamin E kapag ipinahid sa peklat. Maghintay ng 10 minuto bago ito banlawan gamit ang malamig na tubig.
Kung may honey na sa bahay, diretso lang ilagay ang honey sa balat. Takpan ito ng malinis na tela o benda at iwanang nakatakip magdamag. Pagkagising sa umaga, hugasan ito gamit ang malamig na tubig. Ulitin ang proseso bago matulog sa gabi.
ANO ANG GAMOT SA PEKLAT
Nahihiya dahil sa mga peklat sa katawan at mukha? Naghahanap ka ba ng mabisang gamot na pampawala ng peklat? Ang artikulong ito ay mapagkukunan mo ng kaalaman sa kung ano ang peklat, ano-ano ang mga uri ng peklat, ano ang sanhi nito, at kung ano ang mabisang gamot para mawala ang iyong mga peklat sa balat.
ANO ANG PEKLAT: MGA URI AT SANHI NG PEKLAT
Bago natin talakayin ang gamot sa peklat, Kailangan magkaroon ka muna ng malalim na pagkaintindi sa scar o peklat. Dito malalaman mo kung paano tukuyin kung anong uri ng peklat meron ka, at kung ano ang dapat mong gawin para mawala ito.
Ang peklat ay isang lugar ng fibrous tissue na nagpapalit sa isang normal na balat matapos ang isang injury o pinsala. Ang pagkakaroon ng peklat ay isang bayolohikal na proseso ng natural na pagaling matapos ang isang sugat sa balat. Nangyayari rin ito sa loob ng ating mga organ at iba pang tissues n gating katawan. Maraming sanhi ang pagkakaron ng peklat, maaari mo itong makuha sa isang aksidente, kagat ng hayop, taghiyawat o akne, at kahit sa sa simpleng pagkamot sa balat.
Napapansin mo ba na magkakaiba ang hugis at texture ng iyong mga peklat sa balat? Alam mo bang mayroon ring mga uri ang ito? Narito ang mga uri ng peklat na dapat mong malaman:
- Flat scars – Ito ang pinaka karaniwan sa lahat ng uri ng peklat. Ang patag na peklat ay kadalang sanhi ng mga minor na pinsala katulad ng sunburn, pagkamot sa balat, rashes, allergy, at mga simpleng sugat.
- Hypertrophic scars – Ang uri ng peklat na ito ay kadalasang nangyayari dahil sa isang liblib sa collagen production. Hindi katulad ng flat scars, ang uri ng peklat na ito ay makapal ngunit hindi naman lalampas sa orihinal na pinsala ng balat.
- Keloid scars – Ito naman ang uri ng peklat na kadalasang mas malaki sa orihinal na pinsala ng balat, Makapal rin ito, at karaniwang nakaangat ng bahagya mula sa layer ng ating balat. Ang keloid scars ay kadalasang sanhi ng malalim at matitinding pinsala o injury sa balat.
- Stretch marks – Ang uri ng peklat na ito ay sanhi ng matinding pagkabanat ng balat ng isang tao. Kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga nagbubuntis, biglaang pagtaba o pagdagdag ng timbang, at sa adolescent growth spurts.
Ang peklat ay kadalasang nagiging permanente depende sa uri nito. Pero huwag kang mangamba dahil mayroon ng mga iba’t ibang paraan para mawala ito. Paano? Magpatuloy lamang sa iyong pagbabasa.
GAMOT SA PEKLAT: NATURAL NA PARAAN NA PAMPAWALA NG PEKLAT
Ang pagkakaroon ng peklat lalo sa mukha ay nakakaapekto sa pang araw-araw na pakikisalamuha natin sa mga tao. Nakakabawas ito ng self-confidence at may mga pagkakataon ring nakapanghihina ito ng loob sa tuwing tumutingin ka sa salamin, o kaya ay pinupuna ito ng iba. Para matulungan ka sa iyong problema, may inihanda ang artikulong ito na mag bibigat sa iyo ng idea kung paano malunasan ang iyong problema. Narito ang mga natural na gamot sa peklat:
- Honey – Ang pagamit ng honey sa balat ay mabisang gamot sa peklat. Ang bitaminang galing sa honey ay nagsisilbing natural na moisturizer. Mahusay rin ang honey sa pagtanggal ng mga naipong patay na selula sa ating balat na siyang sanhi ng peklat. Ilagay ang honey sa mismong peklat at takpan ito ng isang malinis na tela. Gawin ito bago matulog at banlawan ng mabuti pakagising sa umaga.
- Lemon juice – Una, hugasan muna ng mabuti ang mga peklat. Pagkatapos ay kumuha ng cotton ball o bulak at isawsaw ito sa lemon juice. Ipahid ito sa balat na may peklat at hayaan sa loob ng 10 minutes. Banlwan ito ng mabuti pagkatapos.
- White onion – Kudkurin ang isang piraso ng malusog na sibuyas. Pigain ito para makuha ang katas. Ipahid ito sa peklat at hayaang matuyo sa loob ng 15 minutes. Banlawan ito pagkatapos isagawa.
- Aloe vera – Kung walang natural na aloe vera sa bahay, maaaring gamitin ang nabibiling aloe vera gel sa mga drug store. I-apply ang gel at imasahe ito sa balat na may peklat. Gawin ito 2-3 beses sa isang araw para sa mas magandang resulta.
- Olive oil – Ang olive oil ay mayaman sa vitamin E na kilalang bitamina na maganda sa balat. Gumamit ng extra virgin olive oil na nabibili sa mga grocery store. Ipahid ang oil saiyong balat at hayaan ito sa loob ng 30 minutes. Kung gusto mo ang mas magandang resulta, puwede mong hayaan ang oil saiyong balat buong magdamag.
IBA PANG URI NG MGA GAMOT SA PEKLAT
Kung medyo hustle saiyo ang mga nabanggit, at walang panahon dahil busy sa trabaho. Maaari mo ring subukan ang mga over the counter drugs na gamot sa peklat. Mayroon nitong mga cream, sabon, lotion, injectables, at kahit mga iniinom na chemical peels. Siguraduhin lamang na mag pakonsulta sa isang doktor sa balat upang mabigyan ka ng reseta na mas babagay saiyo. Maaari ka ring magtanong sa mga pharmacist sa drug store kapag bibili ka nito. Kung ang iyong mga peklat ay sanhi ng pabalik-balik na acne, maaari mong subukan ang derma roller. Ano ito? Ang derma roller ay isang uri ng aparato na ginagamitan ng ibang uri ng karayom. Mabisa itong gamot sa acne at gayundin sa mga peklat na dulot nito. Yun nga lang, ang ganitong proseso ay nangangailangan ng paulit-ulit na procedure. Ibig sabihin, hindi kaagad ito magbibigay ng magadang resulta unless, kung gagawin mo ito ng ilang session.
GAMOT SA PEKLAT: SUBUKAN ANG LASER TREATMENT!
Kapag malala ang kondisyon ng balat at hindi na kayang gamutin gamit ang natural na pamamaraan, maaari kang komunsulta sa dermatologist at magsagawa ng laser treatment. Ginagamitan ng iba’t ibang uri ng laser ang pagtanggal sa maraming uri ng peklat. Isang halimbawa ang pagamit ng yellow laser sa peklat na katulad ng keloids at hypertrophic scars. Kumpara sa ibang paraan ng pagamot, ang laser treatment ang pinakamabisa at epektibo sa lahat. Kaya lang, medyo may kamahalan ito at hindi pang masa ang presyo.
Ang mga paraan at gamot na nabanggit ay talagang napatunayang mabisa alin man sa mga ito ang gusto mong subukan depende sa estado ng iyong pamumuhay.
Subscribe to:
Comments (Atom)




